Tuesday, December 1, 2009

Basura Sa Ilog



Kanina lang bumili ako ng diyaryo
sa maliit na tindahan dun sa may kanto.
Napansin ko, itong Metro-aide na tagawalis
minsan sa isang araw kung magtabaho ito.



Akala yata walang nakakakita,
ayun tinapon ang dumi sa ilog na kay panghe.
Kasunod nito ni Aling Neneng na tindera
nagtapon din ng plastik galing sa biniling paninda.



Paano ba naman uunlad itong Bayan?
Kung parating ganyan trabaho ng mamamayan?
Pagsabihan ko man, sagot palagi
"Tumigil ka, 'Toy, bata ka pa lang!"



Kaya nga nung dumaan si Ondoy
sinundan pa ni Pepeng
Hanggang baywang ang taas
ng mabahong tubig.



Balik sa dating gawi itong mga ito.
Hindi na naman natuto pa sa aral ng bagyo.
Baka sakali kapag nagdelubyo
at natangay mga buhay ninyo.




Hooooyyyyyy!
Anuba?
Mga ayup!

----

No comments:

Post a Comment