Friday, April 30, 2010

IBA ang prayoriti

Noong Disyembre, nanganak ang asawa ng aming katropa.
Nagpunta sa isang Lying-in Maternity Clinic
na kalapit lang nila.

Ang problema, yung bata eh nakataas ang isang kamay....
Hindi kaya ng klinika kaya pinayuhan sila na
dalhin na sa "district" hospital ng Las Pinas.
Asows! Wala namang doktor daw!


Lipad sa PGH kung saan hindi sila tinanggihan....
Matapos ang ilan pang oras na "labor"...
napaanak na rin sa wakas ang kawawang misis.


Tanong ng mga doktor at nars at kung sinu-sino pa:
"O...iboboto nyo pa si Villar, samantalang basic services nga lang
hindi mabigyan ang Las Pinas,
magpe-Presidente pa?


OO nga naman. Biruin mo, ni wala kaming tubig sa bawa't bahay?
O hah? Hindi ba't basic services yan?
Hindi ba't kailangan ng bawa't mamamayan ang magkaroon
ng malinis na tubig sa pang-araw-araw na buhay?

Tubig nga wala....ospital pa?
Kaya nga laking inggit ako sa mga taga-Makati, eh!
Biro mo, may sarili silang Kolehiyo.
Libre pa ang edukasyon sa taga-Makati!

Dagdag mo pa, yung "bonus" na regalo
sa mga seniors citizens....
Aba'y di hamak na mas magaling ang Makati
kaysa sa Las Pinas!

Nagbabayad naman kami ng tax sa bahay.
Nagbabayad kami ng kuryente para sa ilaw sa poste!


Ni walang sariling Pamantasan ang Las Pinas, eh.
Buti pa ang Maynila.....Makati at iba pang karatig-pook.


Yun nga lang, meron kaming parol pag Pasko!
Saka banderang orange sa bawa't kalye,
subdivision
man o main roads, meron nyan!


Wala nga lang tubig, Pamantasan,

o kaya'y ospital na may doktor 24-7!


Mukhang IBA ang prayoriti sa aming bayan!

Maganda sa labas, pero yung talagang kailangan,
zero naman!


Ay!

Ayoko ng ganyang Presidente!




Tuesday, April 13, 2010

Neknok in Munwok

Asus! Umarangkada na naman!
Itong magnanakaw sa may Upper Gate 2, man!
Kaya nakakahilakbot feeling ng naninirahan
Para kang nakatulay sa alambreng sampayan.


Hinala ng lahat si jukjuk na naman
Kasi naman ito'y may lihim na ginagamitan.
Pusakal na durugista at maninikwat kahit saan
Pati kapitbahay pinupuntirya lang naman!


Ang hirap sa ama'y kunsintidor namber wan,
Kaya't tinatago sa mga nawawalan.....
Kapag kumatok sa kanilang sambahayan,
Laging walang sagot kahit na ilaw ay open naman!


Hay naku, Munwok kong giliw, paano ba yan?
Tila nakakatakot mamuhay sa iyong piling;
Sa dibdib mo'y nahihimlay, pusakal na mandurugas
Isang hakbang lang sa aking tirahan!


Paano ba malulutas yaring nakawan?
Kung pati magulang'y galit sa tanungan?
Di ba sila nahihiya sa garapalang paramdaman
Ng kapitbahay na tila wala ng katahimikan?

Sunday, April 4, 2010

Orange country ni Man Evil Liar!

Kulay orange na ang paligid namin.
Simula ito ng pumasok ang Pebrero.
Bibili sana ako ng tinapay at dyaryo sa kanto.
Nagkakabit ng madaling araw ang mga tao ng munisipyo.
Ayos, `to, isip ko....Parang piyesta pero nahuli nga lang.
Di ba nga Disyembre ang piyesta ?
Ah ...baka bertdey kasi ni Father Fidel.
Pero teka, Valentine's day yun, ah?
Kamote talaga, oo!
Hanep sa pera.
Iba diskarte kapag makuwarta ang kandidato.
Panay ere ng komersyal sa radyo.
Memorays ko na nga ang kanta nung mga bata sa TV eh.
Biro mo, ...ang Las Pinas, naging kulay ponkan?
Ok sana kung talagang orange ha?
Para naman makatikim ng medyo matamis
kesa sa berdeng dalanghita na tinda ni Manang sa kanto.
Asar nga si Mader eh...
Sabi niya, eh kung binili na lang ng bigas ang mga benderang
nakakabit sa bawa't poste sa mga sabdibisyong dinaraanan
sa Friendship route at sa mga kalsada sa buong siyudad,
baka sakaling marami pa ang nabusog ang tiyan.
Kaso lang, parang gusto ko nang masuka sa
paulit-ulit na song-mercial ni
Man-evi-liar!
Mahirap daw, oh!