Monday, December 7, 2009

Why?

Martial Law na raw sa ARMM ng Mindanao;
Ang sabi ni gloria may rebelyon daw.
Baka naman ayaw lang ni aling gloria na mabuko sa kanyang
karumaldumal na gawain.

What if the ampatuans sing a song like singson?
Lagot na naman ang sinungaling ng Bayan!
Palusot pa, kapos naman
Dahilan nila, kinikwestyon naman.


May lulusot pa ba sa pananakip?
Eh kung si remonde kaya ang sumagip?
Baka lallong magsiklab kapag si lorelei
sumagot sa tanong ng presshood na makulit.


Magkabukuhan kaya, kung sakaling kumanta?
Itong si ampatuan na hari ng bayan niya?
Baka naman pagtakpan, kaibigan kasi sila
na sinabi ni fajardo na parang si leydi gah-gah!

Hay buhay!

::::::



Tuesday, December 1, 2009

Basura Sa Ilog



Kanina lang bumili ako ng diyaryo
sa maliit na tindahan dun sa may kanto.
Napansin ko, itong Metro-aide na tagawalis
minsan sa isang araw kung magtabaho ito.



Akala yata walang nakakakita,
ayun tinapon ang dumi sa ilog na kay panghe.
Kasunod nito ni Aling Neneng na tindera
nagtapon din ng plastik galing sa biniling paninda.



Paano ba naman uunlad itong Bayan?
Kung parating ganyan trabaho ng mamamayan?
Pagsabihan ko man, sagot palagi
"Tumigil ka, 'Toy, bata ka pa lang!"



Kaya nga nung dumaan si Ondoy
sinundan pa ni Pepeng
Hanggang baywang ang taas
ng mabahong tubig.



Balik sa dating gawi itong mga ito.
Hindi na naman natuto pa sa aral ng bagyo.
Baka sakali kapag nagdelubyo
at natangay mga buhay ninyo.




Hooooyyyyyy!
Anuba?
Mga ayup!

----