Thursday, October 20, 2011

Choose ka lang

Grabe na `to!
Naglipana na naman
Mga aristang politiko
O politikong artista,
Gabi-gabi nasa boob tube si lani, si christopher,
si alfred at kung sinu-sino pang pontius!
Minsan isang linggo naman itong si bong at si tito.
OK sana itong si junggoy kasi madalang pa sa kapeng alamid
kung lumabas at mag-apir. Pero si gob ng laguna, mahilig pa.
May healing pa si ate bwe at sandamakmak na kwek-kwek.
Tas heto pa: introducing pa etong mga anak nila:
pa-Barangay2 muna...papataas na.
Ayuz! Strategy is the name of the game, sabi nga.


Bakit pa ba tumakbo bilang mayor, o
mambabatas o senador ang mga h-n-y-p-k
Kung babalik pa rin sa TV-cine screen?
Eh di mag-artista na lang kayo!
E ka nga, "You can`t serve two masters.."
di ba po? CHOOSE ka lang kung ano ang prayoridad mo!



Dahil siguro sa merong staff sila na nagpapatakbo?
Juice ko naman! Pili lang kayo, mga tatang, mga nanang.
Teka mas mabuti siguro alisin yang pork na yan
Yung Pork Barrel na pinagkakainitan ni edcel at ni abad
sa kasalukuyan. Tingnan ko lang kung me tumakbo pa
sa susunod na halalan!



Di nga!

No comments:

Post a Comment