Kulay orange na ang paligid namin.
Simula ito ng pumasok ang Pebrero.
Bibili sana ako ng tinapay at dyaryo sa kanto.
Nagkakabit ng madaling araw ang mga tao ng munisipyo.
Ayos, `to, isip ko....Parang piyesta pero nahuli nga lang.
Di ba nga Disyembre ang piyesta ?
Ah ...baka bertdey kasi ni Father Fidel.
Pero teka, Valentine's day yun, ah?
Kamote talaga, oo!
Hanep sa pera.
Iba diskarte kapag makuwarta ang kandidato.
Panay ere ng komersyal sa radyo.
Memorays ko na nga ang kanta nung mga bata sa TV eh.
Biro mo, ...ang Las Pinas, naging kulay ponkan?
Ok sana kung talagang orange ha?
Para naman makatikim ng medyo matamis
kesa sa berdeng dalanghita na tinda ni Manang sa kanto.
Asar nga si Mader eh...
Sabi niya, eh kung binili na lang ng bigas ang mga benderang
nakakabit sa bawa't poste sa mga sabdibisyong dinaraanan
sa Friendship route at sa mga kalsada sa buong siyudad,
baka sakaling marami pa ang nabusog ang tiyan.
Kaso lang, parang gusto ko nang masuka sa
paulit-ulit na song-mercial ni
Man-evi-liar!
Mahirap daw, oh!
No comments:
Post a Comment