Tuesday, November 23, 2010

Si Kumare at Ang Apat na Bibe

May isa akong kakilala
Matagal-matagal na rin naman.
Noong araw todo-kayod:
Umaga hanggang gabi,
dalawang eskwela ang trabaho,
magturo ang forte.


Pag Sabado naman sa Diliman natungo
{kung saan ko siya nakilala}
Para lumawak....makapag-aral nang husto.
Pilit kumukuha ng units sa Grad School
Makadagdag man lang sa ranggo at suweldo.



Sa panahong iyon marami-rami na rin ang tiniis.
Asawang walang lakas manindigan sa sarili;
Asawang palagiang sa barkada nakakampi,
Di kaya`y walang trabaho at kung saan-saan nakapirmi.


Palibhasa`y ayaw masangkot mai-tsismis o mapulaan
Tinimpi ang sarili at walang pinagsabihan.
Pinilit ipakita sa lahat: Nanay man o kaibigan,
Ayos lang ang mundo niya, OK...ok lang.



Dumating mga pagsubok marami rin naman.
Sa apat ba namang anak na lalake, sino ba ang mawawalan?
Nguni`t sadyang mapagtiis, ma-"pride chicken" kung turingan,
Ayun walang nakaalam, wala ring nahingahan.


Lumipas ang panahon, sige tiis si Kaibigan.
Nagtinda ng lahat, para lang matustusan.
May bitbit na Tupperware, mga bag at sapatos,
Minsa`y Longganisa, Tocino at Barquillos.



Kapag enrollment na, perhuwisyong katakot-takot.
Loan sa SSS, GSIS, Malabon at Coop.
Sabay-sabay yan, walang pahinga, walang paltos
Kukulangin kasi, uniporme't pang tuition.



Ito namang mister ganun pa rin naman,
Palaging suspended sa trabahong ginagalawan.
Minsan isang linggo sa ibang lugar natira,
Minsan umuwi, minsan wala talaga.


Minsan isang araw may nanghingi ng tulong;
Gagawin siyang 'alalay' papuntang abroad.
Tinanong ang anak, pinag-usapan nang maayos,
Pumayag ang lahat sa meeting na idinaos.


Sa madali`t sabi nakapag-abroad
Itong aking Kumare na kakabog-kabog.
Kapalaran niya, hindi alam kung saan aabot.
Ang na-file na Leave of Absence, hindi na-approve.


Walang magagawa sapagka't siya'y nasa abroad.
Ginawan na lamang ng Early Retirement para may makuhang pera.
Kung hindi ganu`y baka ma-AWOL
At least nakakuha, retirement money mayroon.


Habang nasa abroad nagsikap at nagtrabaho.
Paaral sa anak, sa San Beda at tatlo pang kolehiyo.
Hindi biro ang matrikula, baon at pasahe,
Pagkain sa araw-araw, talagang terible.


Makalipas ang dalawang taon, umuwi na si Kumare.
May dalang kaunting ipon at istoryang malaki.
Samantala itong asawa na naiwan sa bahay
Umuwi at dili, ni singkong duling walang naitabi.


Nagsumbong ang dalawang panganay na wala raw silang pagkain.
Tinitipid nang husto ang pagkain sa mesa.
Tinanong ni Dos: ...."nagpapadala ka ba ng pera?"
"Siyempre!" ang sagot ng aking Kumare.


Paano ba matitiis ang apat na anak?
Hindi ba sapat na siya'y nagsikap?
Malaking gulo ang nangyari pagkaiglap,
Kinausap ni Kumare ang asawang walang sinagot kundi irap.


Humulagpos ang galit, hindi matawaran,
Hindi niya matiis ang kinahinanatnan.
Nagsalita si lalake, "Sige, mag-asawa ka na lang ng foreigner,
padalhan mo na lang kami, ako na ang bahala dito."


Nagpanting ang tenga nitong aking kumare.
Hindi malunok ang sa kanya`y sinabi.
Hindi makapaniwala sa kanyang narinig,
"Kung ganun din lang, hindi ka kasama sa plano ko,"
sinigaw sa lalake.


Lumayas ang lalake, tutal hindi naman daw sila kasal.
Umalis at wala nang kontak sa pamilyang iniwan.
Ito namang si Kumare, kalauna`y nag-asawa na rin
Tinotoo ang na-suggest nitong si lalake.


Bumalik sa abroad ang aking Kumare....
Habang walang paltos, padala sa apat na anak.
Ayos na rin sana ngunit may mga pagsubok
Dumating ang papel galing sa GSIS at ito ang
eviction paper.


Balik-maynila agad ang aking Kumare,
Deretso sa Housing Loan ng GSIS at nakiusap.
Ni isang pera wala ring naihulog
Kaya babayaran sa limang taon ang kalahating milyong pabahay.


Unti-unti lumiwanag ang daan.
Isa-isang nagtapos ang anak na naiwan.
Nabayaran lahat utang na naiwan,
Inayos ang lahat pati ang kabahayan.



Nagkabakod, natagpian, napinturahan
[makalipas ang dalawampung taon] ang buong kabahayan,
Naayos din naman ang pagkaing kailangan.
Nadamitan nang maayos mga guwapong anak,
Maganda ang tindig, hindi na payating tingting.




Lumaki at natapos [sa wakas!] ang mga anak niya
Nagtrabaho at nakapasok sa iba`t ibang Kompanya.
Maayos ang bihis, de-kotse ang lakad,
Tuwa ng Ina, hindi maisalarawan.


Minsang umuwi ang aking Kumare,
Dadalawang araw pa lang siyang sa bahay nang
May dumating na kasamahan sa Dragon Boat Team.
Naaksidente si Dos. Agaw-buhay at muntik malunod.


Deretso sa PGH ang kuya at Ina;
Pagdating sa ICU hindi mapigilan ang maiyak.
Parang sinaksak ang puso niya,
Nakitang nakaratay, panay tubes at kung anu-ano pa.


"Green slimes & dirt" na palabas sa tubong galing baga,
Nakalunok daw ng tubig sa Manila Bay.
Tumaob ang bangka habang nagprapraktis,
Ayun ang nadaganan ang anak na giliw.



Makalipas ang dalawang araw, dumating ang Amain.
Pagsundo pa lang, ang tanong agad ay: "nasan si H?"
Parang may ESP, yun agad ang baling.
Deretso sa ospital, naiyak sa tabi.



Fast forward ngayon , ilang taong makalipas...
Nagpakasal itong naaksidenteng Dos ngunit ni isang pasabi wala.
Ang siste, nakita ni Kumare sa Facebook:
pangalan niya ang nakasulat, ibang babae ang naghatid sa simbahan.


"Masakit, masakit!"...yun ang laging sambit.
Para kang pinatay, sinaksak nang ilang ulit.
Nag-asawa ang dalawa...ni anino, wala.
Balita o dalaw....wala man lang pasabi.



Ito namang panganay na kanyang inasahan,
Nag-asawa, natural, magsasarili.
Eto ang siste: pang-down payment sa apartment
Galing pa rin kay kumare....



Idagdag mo pa ang pabinyag, refrigerator at
groceries.....pampers at baby cart, sagot pa rin ng Ina.
Nagtrabaho sa UN, nag-abroad sa Africa...
Biglang nagkaroon ito ng amnesia.



Aba! Nakalimot tumawag o mangumusta.
pati ba naman si Kumare, hindi na nadalaw kahit on-leave siya.
Ilang Pasko na rin, pati ang apo niya
Ayaw dalhin nitong babaeng kanyang napangasawa.


Sabi ni Kumare: "Totoo pala ang sabi: `My son is my son
Until he gets himself a wife.'
Na-kontrol na nga ang anak ng ASaWANG salbahe.
Zero contact ngayon, kesehodang balik-Pinas
itong aking Kumare.


Ang naiwan lang sa bahay nila ngayon
Itong isang anak na bunso at ang pangatlo.
Ang dalawang ito ang gusto sana ng ama na ilaglag noon...
Pilit pinainom si Kumare, pero hindi yun kinaya.



Mahirap mabuhay sa mundong ibabaw.
lalo din namang mahirap magpakatao.
Kapag walang utang na loob sa puso ninuman,
Walang mararating na paroroonan.



Pagpapasalamat sana na galing sa puso,
Ibigay sa nagsikap, naghirap at nag-ayos.
Walang gastos magsabi:"Salamat Po."
Walang mawawala, bagkus magiging kagalang-galang ka pa
sa paningin ng Diyos at ng kapwa tao.




Hoy! Gising!

Saturday, November 6, 2010

Ms ing Lang





























>>>>>>>>>
Looking for some guapo
Itong taong ito.
Kung ika`y interesado
Paki-tweet na lang ako.



Ano sey mo?
Bakla ito?
Oh no!
Not bakla!
Baklita!




No! No! Hindi transvestite ito.
Totoo raw siyang babakwe
Plis bilib me, wen ai sey
Its da trut en nating bat....


sabi niya!
aheheh

Hwag mo na lang kasi pansinin ang malalaking braso
Na di hamak na mas malaki kesa sa baseball bat ni Kuya ko.
Astig na dating dahil sa hormonal imbalance kaya
ganun na lang ang hinagpis sa Vietnam pa ikinalat.



Kamikha ito nung tambay sa may kanto
bago dumating sa hump sa bakery ni Mang Tonyo;
Kahawig, kaflakflang din ni Jessie Gomez, `to'
haircutter to the stars sa Barangay Veraville
Yey!


O...keri mo?
Yung ngisi nyang parang nakaisa?
Yung feeling bang akala mo'y siya na ang pinakamaganda?
Kamukha lang sya ni Inoki
{hehehe...if you know what I mean....}




Paalala lang sa buntis:
pasintabi sa mga ladies....
Huwag masyadong tingnan
at baka makopya ang kaflakflakan!
Malas nyo lang, sige...
kayo rin......
nakakamatay
nakakasira....




__________
Salamat sa photos na galing kay Bob

Tuesday, October 26, 2010

Manalamin ka muna, `day!



Hindi ako showbiz, lalong hindi ako matsismis...
Pero itong matandang monster, lumalabis, umo-over;
Kung magsalita `kala mo'y ubod linis
Dapat sa `yo `day, manalamin at magsalamin.




Sobrang dami na yata ang muta sa mata;
Kung baga sa dumi, umaapaw, nangingibabaw.
Dapat alisin, punasan at linisin
Muta ni anabel rama nabulag ang mata.




Sukat ba naman, sabihing "Nandidiri " kuno siya
Dito sa alagang ayaw mag-renew na....
Eh dapat nangdiri siya sa anak niya...
Di ba`t sabi ni Mommy, nag-Brunei
kaya yumabong ang royal era?




Ang aral sa ganyan meron kang makukuha:
Sabi nga ni Maestro:
"Kung sinong malinis siyang unang bumato."
Sa tingin mo ba pards....malinis sila?


Sino ngayon ang "kadiri"??

Ahahay!


*Siguro, dapat magregalo si Heart sa Pasko
sa monster manager ng salamin.
baka wala sa kanilang malaking bahay ng
matinong salamin.

Monday, October 25, 2010

Cheat ka na lang!

OK na pala ang mahuli kang mag-cheat?
Hindi lang basta cheating ha?
Maski mahuli ka, Oks lang!
Look and see sa SC!
Heh-heh-heh!


Kung yung nasa taas, nahuli na,
Ok pa rin pala...
Ang siste pa, hane...
Pinagalitan pa ang nakahuli!
Ay, mali!


SC justices yan, ha?[maliban sa tatlo!]
Takipan sila ng mababaho nilang puwit
Parang silang mga bubwit....
Takipan, tapalan, wala silang pakialam!


`Langhyang SC yan!
Dapat jan, patayuin sa kanto,
Pabugbog sa kung sino..
Latayan at ikuyog! Mga buset kayo!



Paano na ang daang matuwid ni P-Noy?



Saturday, October 16, 2010

Mar, relak lang...sa balay ka na lang!

Ilang panahon na rin ang nakakalipas....
Nkaka-100ng araw na pala itong ating Presidente.
Malaki ang paggalang ko kay PNoy,
pati na sa kanyang mga magulang.....

kaya lang.....

Sana lang hwag siyang magalit sa ilang `unsolicited advice'
ng kagaya kong ordinaryong mamamayan.
Baka sakaling may mapulot at matinga sa aking
mga napagmasdan.


Basa ko sa mga news at mga kalakaran....
Para bang itong si mar ay nangingialam
Bakit ba ganun, eh hindi ba't siya'y talunan?
Nakaka-iskor pala itong Balay pati na ang kaibigan?

Akala ko ba, sa daang tuwid lamang?
Bakit hahayaang may isingit at may ipangalan?
Di ba si Noy lang ang Presidente ng Bayan?
Bakit may amuyong, alipores at kaibigan?

Walang masama sa mga kaibigan.
Kung ang hangad naman kaayusan at kaganapan.
Malas lang kung may interes na pangkabuhayan
Kontrol ng anuman, dapat pag-isipan.


Payo lang sa talunan: Hwag magmadali at mangialam:
Basta't maghintay ka na lang...
Your time will come!
Ayos ba?

Sunday, September 5, 2010

Mga bubwit at kuyog ng sjdh

Nabasa ko `to at `di ko maiwasang mainis sa mga bubuyog at bubuwit ng san juan de dios hospital!
Sige, Pre at basahin mo para mapaghandaan ang ganitong situwasyon....kung saka-sakali.
Ihanda si badigard.....hehehehe


Galing po....sa Love & Light!
[Paki-click ang taytel =USI-PAKI ng San Juan de Dios Hospital= para sa link. Tenkyu.]

==================================

USI -PAKI ng San Juan De Dios Hospital

Ano nga ang tawag sa mga miron na mahilig makialam?
USIsero/a at PAKIalamero/a!

*

Nitong nakaraang Huwebes, papuntang trabaho si Dave.
Bandang alas-otso ng gabi...
habang binabagtas ni Dave ang elliptical curve sa bandang NAIA3,
may biglang tumakbong patawid si Leo, 22-anyos.
Nabundol tuloy siya nitong nakamotor na si Dave.
Ang natamaan ang kanang binti ni Leo.

Hindi naman tumakbo si Dave.
Sa halip, naghintay ng pulis.

Katuwiran ni Leo, wala raw headlight ang motor.
Sinubukan ng pulis kung wala nga.
Nang buksan ng pulis, eh nakitang maayos at maliwanang ang ilaw.
Kumpleto ang motorista sa lahat ng kailangan
at naka-helmet naman.

Tumawag ng ambulansiya at kasabay ni Dave na dinala sa
San Juan de Dios Hospital itong si Leo.


Samantala, ang motor ni Dave ay kinumpiska ng pulis
at dinala sa isang presintong malapit na sakop ng Pasay City.


Sa SJDH, pinasok sa emergency room itong si Leo,
kasabay siyempre si Dave. Tinawagan ni Dave ang
kanyang hipag na si Zsa-Zsa na mabilis namang
tumungo sa nasabing ospital. Dumating din ang
kapatid ni Dave na si Maki.


Ini-X-ray si Leo at nakita na nagka-fracture ito sa kanang binti.
Nang tinanong na ng detalye, wala itong maibigay na permanenteng address,
sa madaling sabi NPA. Sinubukang tawagan nang ilang beses
ang pinakamalapit na kamag-anak na tiyahin daw.
Ayaw namang pumunta sa ospital.
Ni ayaw rumesponde at pinapatayan ng linya
kapag tumawag nang ilang ulit si Dave at kanyang mga kasama.


Bumili ng gaot si Dave, ipinainom sa "biktima" at
pinaghintay sila...sa kung ano, hindi rin nila maunawaan.
Kaya nung medyo ilang oras na ang nakalipas,
nagyaya itong si Zsa-zsa na mag-meryenda muna.


Lumabas ng emergency room si Dave at Zsa-zsa at naglakad palabas.
Nang nasa ikalawang kanto na sila, may sumisigaw na
guwardiya at ikinakaway ang kanyang batuta at nagsisigaw na:
"Hindi kayo puwedeng lumabas,Boss!
Hindi puwede!"


Nagtanong si Zsa-zsa kung bakit.
Sinabing kakain lang sila sandali at babalik din agad.
Ang sagot: "Hindi puwede!"


Kaya bumalik sila at nagtanong itong si Zsa-zsa.
"Bakit kanina, hindi ninyo sinabi agad.
Nakita ko kayong nanonood ng TV.
Nag-uusap lang ang iba....
Nakamiron lang at walang ginagawa.
Tas ngayong kakain lang kami,
eh dun pa kayo sa labas magsisigaw
na para kaming kriminal at magnanakaw:
may batuta pa kayo at nakasigaw.
Hindi puwedeng tumakas kami, dahil nasa pulis
ang aming motor. Nasa kanila ang lisensiya nito [Dave]. "


Nagtawanan lang itong mga guwardiya at 'orderly' [na naka-asul
na uniporme at may pulang border sa chinese collar] ng SJDH.


Dumating ang pulis at habang kinukunan ng statement itong si Dave at si Leo,
yung the same 'orderly' na nakipagtawanan sa mga guwardiya
ang nakaharap loob mismo ng cubicle,
nakahalukipkip na nakatayo
sa katabi nitong si Leo.
Nasuya si Zsa-zsa at sinenyasang umalis
itong walang kinalaman sa kaso.
Aba't lalong pumorma at hindi tuminag.
Lalong lumapit sa bed ni Leo.
Lumabas is Zsa at tinanong sa nars na nasa labas
kung sino yung naka-unipormeng yun.
Pumasok ang nars at sinilip ang loob ng cubicle.
Nang nakita ang 'orderly' nagsabing:
"Orderly po siya Ma'am."

"Eh bakit nandito?" -sabad ni Zsa-zsa.

Parang nakangising nagsalita ang nars ng:
"Lumabas ka daw kasi diyan, sabi ni Ma'am."

Lumabas nga sa cubicle itong 'orderly'
pero lumipat lang sa kabilang cubicle.
Pilit nakikinig sa interview na nangyayari.

Bakit kaya ganun...
kahit yung bagong dating na kasamahan nina Zsa
ang nakapansin ng garapal na kilos ng mga guwardiya
at itong naturang 'orderly'.


*
Patuloy ang ganoong eksena
[na tumatak sa ispan nina Zsa-zsa ]
habang naghihintay sila.
Sa kung ano, hindi nila mawari.....
Naisip ni Zsa-zsa na parang metrong kaybilis
[parang taksi!] na pumapatak ang
kanilang bayarin sa SJDH
sa bawa't sandaling nandoon sila.
Kung kaya't nagtanong sa attending physician
kung pupuwedeng ilipat
nalang ang pasyente sa pagamutang pang-gobyerno.
Binigyan si Zsa ng option-hospitals pero lahat ay pribado.
Nangatuwiran si Zsa na pamilyado at part-timer lamang itong si Dave
kung kaya't hindi kakayanin na bayaran ang napakalaking halaga.

Nag-suggest si Zsa na sa National Orthopedic Hospital dalhin itong si Leo.
Tutal, ang pagamutan para sa buto na alam mo at alam ko
at alam ng buong bayan ay ang Orthopedic.


Kinausap rin nila na kung puwede
mag-taxi na lang sila papuntang Orthopedic.
Kasi nga naman,
mahigit na namang 1 libo piso aabot
yung bayarin sa ambulance transport fee.
Sa halip na sa ibang bagay gamitin....
tutal naman, nakakalakad, nakakaupo at
maayos ang kalagayan ni Leo.
Pumayag ang doktor at sumang-ayon si Leo.



Matapos bayaran ni Zsa at kasama ang bill na umabot ng
PhP 9,000.oo +++ sa ilang oras na pamamalagi sa SJDH,
naghanda na silang lumabas.

Ang siste, eto na: umaayaw itong si Leo sa taxi
at kailangan daw na i-ambulansiya siya.
Nasulsulan pala nitong mga USI at `PAKI ng SJDH!
Nanghihingi pa ng pang-kape at marami pang iba!
Ayos lang sana....
ano ba naman ang kape,
tutal, gutom na rin naman silang lahat
dahil sa magdamagang paghihintay sa ospital.
Pero kakaiba ang mga hiling nitong si Leo.


Habang nasa loob ng ER itong si Leo, napansin kasi
nina Zsa na panay ang punta at bulong nitong 5 guwardiya
at nitong si 'orderly' kay Leo.
Marahil, kung anu-anong pinagsasabi.
Marahil, ang akala nila mayaman at puwedeng gatasan itong
sina Dave at Zsa-zsa at kasama....


Lumitaw ang naturalesa nitong mga guwardiya at
nagsipagtawanan na para bang tinutuya itong sina Dave at kasama.
Hindi na nakapagpigil itong si Zsa-zsa at nagsalita.




Inilabas ang kanyang opinyon na ilang oras ding pinigilan...
habang ang pakitungo ng lahat ng 5 guwardiya
[apat na lalake at isang babae]
ay sagot na panunuya at ngising ewan ko.

*

~~~~~Kahit sino man, kahit pasensiyoso kang tao,
kapag pinipilit kang tuyain, asarin, at batuhin,
kapag napuno ang dibdib,
sumasabog at umaalma
lalo na't wala ka pang tulog,
gutom ka at hilo
dahil galing ka sa straight na 16 oras na trabaho.....
sasabog ang bulkang ayaw mo sanang makawala
dahil ayaw mong makasakit ng tao~~~~~

*

Noong palabas na sina Zsa sa ospital,
hinanap ni Zsa ang 'orderly' para itulak ang wheelchair na
ginamit ni Leo.....pero walang orderly silang nakita.

"O, asan si orderly?
Dali, ito ang trabaho mo.

Saan ka na?" -pabirong tanong ni Zsa.


Parang bulang nawala rin ang 5 guwardiya
na sa buong magdamag....eh
did their best
na makialam at mang-usisa
kay Leo, sa pulis at sa lahat ng nakamiron.


Ang tanging nakita lang nina Zsa at kasama
eh yung isang mamang naka-barong.
Lasa ni Zsa eh ito yung head ng mga sikyu.



*****
****
***
**
*

Nag-taxi na sina Dave at Leo, habang nakasunod
si Zsa at Maki sa likuran.

Sa National Orthopedic Hospital,
ini-Xray [ulit!] at ginamot....pagkatapos ay
sinimento ang kanang paa ni Leo at
niresetahan ng gamot na agad namang binili ni Dave.

Nang ihahatid na itong si Leo sa kanyang tirahan,
umayaw ito. Ang sabi, wala raw siyang tirahan.
Nang-suggest si Leo na sa Baclaran Church na lang siya ihatid.
Apparently, itong Baclaran area at paligid ang kanyang 'teritoryo'.....
Dito siya palakad-lakad at tambay.


Samantala, ang motor ni Dave ay kumpiskado.
Hindi puwedeng magtrabaho.
Walang sasakyan.
Paano na?


****

A long Friday night.
A night full of surprises.
One that revealed several facets of life.
Maraming tanong,
maraming bagay.



Una:
Sa pagkakaalam ko, ang 'orderly',
in medical terms, sabi ni Mr. Webster:
"a hospital attendant having general, nonmedical duties."
Tanong lang po:

Kasama ba sa duties ng orderly sa SJDH ang makialam,
manulsol, mag-usisa, magtsismis, manuya, mang-inis,
ng kahit sinong pasyente at kasama ng pasyente sa kanilang ospital?
Kaya nga orderly eh....
to give order, not chaos!
Sanabagan!




Pangalawa:

Lahat po ba ng guwardiya sa SJDH ay mga usisero at usisera?
Mga pakialamero at pakialamera?
Alam ko po na ang trabaho ng guwardiya ay magbantay.
To secure the area of responsibility.
Protect and safeguard the premises.
But to do it in such rude manner towards clients
and patients is beyond imagination.

I have always looked up to private medical instituttions as
respectable institutions out to assist in case of emergencies.

What happened is a reflection of the kind of services
SJDH gives....and a lot more.

People always look at the staff of an institution as
reflective of the type of management of that institution.
Eh sa pinakamaliit na staff pa lang,
wala na, I hate to believe na baka mas palalo ang mga nasa itaas.
Hindi naman siguro.
Baka na-overlook lang ang mga kumag na ito.
napabayaan,
hindi pinansin,
nasanay,
nagpatuloy,
nakakasakit ng kapwa.





And by the name the hospital goes by...
SAN JUAN DE DIOS!

But the staff-both high and low,
medical o otherwise,
must live up to the name they represent!
I wonder....
----alam kaya nitong mga sikyu/orderly na ito
ang kahulugan ng pangalan ng ospital
na kanilang pinagsislbihan.
Silbi sinulat ko, ha?



I am at a loss.....
I always want to believe in the goodness of people
But I guess I need to wait....
Not yet....
not in a very long while!

****

What then, would the management of SJDH do
regarding this incident?


Perhaps, more pastoral care for the staff nurse?
....even the guards and those chaotic and
disorderly orderlies??



Reminders, perhaps?
Another training on how to behave?
...on how to conduct themselves and
win back the respect of people?
Will the basic Good Manner and Right Conduct suffice?



I shall wait with the hope that
my waiting wouldn't be in vain.

But do they [management] care?



Hellloooooooooooo!!!!!!
Anybody listening out there???/





Sisihan ng mga kamote ng bayan!

Sisihan, sisihan `di mawawala yan
May gustong pumorma, kahit tapos na boksing.
Merong akala mo`y santo at nagmamagaling
Meron din namang bumukol at merong tumambling.

Tigilan n`yo na at hayaang mag-isip
Mga pinuno at kapulisan kung anong ka-foolishness-san
nangyari na ang lahat at `di na pwedeng bawiin
Buhay nawala pati si mendoza nagwala.


Pogi points nga naman ang dating ng iba:
Libre appearance pa sa TV at sa media.
Isip ko tuloy baka pumoporma na
Itong sa susunod na eleksyon ang puntirya.


It's time to move on, sabi nga ni inglisera....
Time to heal and think of lessons learned, sabi naman ng iba.
Sang-ayon ako sa ganitong sistema.
Sana`y isipin, aral na nakuha.

******




Wednesday, August 25, 2010

SWAT kita jan, eh!


Kung nag-isip lang sana ang mga lalaking ito,
eh disin sana`y namataan nila na may emergency door
sa harap nila na puwedeng buksan galing sa labas!
Ano tawag sa mga ganitong tao?
Mga ...ewan!
[photo from BBC.co.uk]


*
What happened to that "special" SWAT Team

Kaso lang, my labs, naiba na ang meaning sa orig:

SWAT (Special Weapons and Tactics).

*

Heto pa po:

Sorry We Aren’t Trained.

Sugod, Wait, Atras, Tago (Attack, Wait, Retreat, Hide)

Sana Wag Ako Tamaan (Hope I don’t get hit)

Sobrang Wala Akong Training (I’m very much ill-trained).


*

Magagaling lang daw ang mga pulis
sa HOSTESS-taking;
hindi HOSTAGE-taking.
Sey?


*

Policemen

o

Foolishmen?


*



Bonggang-bonggang Major, major problem


[Thanks to mb.com.ph for the above photo]




So what can I say?
Major, major....
errrr...error nga!
Pero ...`day, bonggang bongga siya, ha?
Pang-lima siya sa buong universe.
Sey?

*

Sana nga ginaya na lang si Senorita Mexico.
Pa-translate ng bongga.
Sabi nung iba, dun daw nagkatalo!
Totoo ba `to?
Considering Cum Laude kuno?

*

Oh well.....
for all her spirit shown when she
complained about her dethronement,
dito pa siya ninerbiyos....
Mas OK na bawi sana.

*

All I can say is that the cheers from the mostly
Pinoy crowds and the voting online made Venus Raj
[with a silent j, that is!] popular from the start.

*

OK na rin!
Pantambak sana sa palpak na inasta ng mga
pulis sa Rizal Park....
which is really a major.
Major Problem!

*





Friday, August 6, 2010

Macacapal en kampani

Sa bawa't minuto, araw-araw na dumaraan
natutuklasan na ang garapal na pamamaraan.
nitong Macacapal: tandem man o galamay
palasak na pagnanakaw, limas sa gahaman.


Tesda, DBM, lahat-lahat sa kaban ng Bayan!
Macacapal talaga
pati hacking naman ng DBM, pinakialaman!
Hindi nasiyahan, pati ba naman perang pang-bagyo,
inahas ng macacapal d`yan!

Hanep,tsong!


Friday, July 9, 2010

Follow The Leader


[photo na pick-up sa Philstar, tenkyu!]

Wala ng helmet,counterflow pa....
hanuba?




Sarap ng pakiramdam
sarap sa panlasa....
para kang kumain ng "buong" Sinigang
mainit at mabongga, hanggang huling sabaw.

Iyan ang pakiramdam ng bawa`t makausap
Buong pagmamalaking sinasabi:
Pinoy ako at si PNoy ang Pangulo ko.
Pati na ang Nanay ko tuwang-tuwa, walang talo.


Sa kanyang[PNoy] halimbawa sana ang magmula...
Gumaya ang mga korap at buwaya sa lansangan.
Tulad na lang noong ilang kamakailan...
Napahinto ako ng checkpoint sa loob ng Kamaynilaan.

Ayos lang po ang checkpoint kahit saan.
Feeling safe nga kami, lalo na't kapag ginabi ang aming uwian.
Ang problema lang naman, sa mga kapulisan
at mga traffic enforcers na siyang nag-aabang.


Matagal na akong nagmamaneho sa lansangan.
Kaya kahit kaunti nama`y may kaalaman.
Gaya ng rehistro at batas-lansangan.
Kaunting silat lang, alam ko ang pinagmulan.

Ilang beses na akong napahinto at napagtripan
Ng mga pulis na de-motor at pulis-pulisan.
Ang siste Kapuso, Kapamilya at mga kapatid
Ang motor ng "pulis" ay foolish kung turingan.


Mantakin mo naman....wala itong sticker?
Laking asar ko nang aking makita!
Mas totoo pa pala ang gaya kong ordinaring motorista.
may papel, may LTO sticker, may Village sticker pa!


Pulis daw, oh! O pulis-pulisan siya?
Puwede ba, bagong taga-LTO, pakisilip naman?
Pakisabi sa mga kapulisan at traffic enforcers ninyo:
Magparehistro at mahiya sa kanilang amo?


Hoooooy!!!
Gising!


Follow Your Leader!



---------






Sunday, May 23, 2010

Panalo Na.... Alam n'yo na, ha?

Nanalo na, manok ko, si Noynoy lang naman.....
Kahit pa sabihing "orange country" itong lupang tirahan.
Kaya nanggagalaiti pati si bisaya,
Talbog ang bata niya, kahit saang bayan.


Beh, buti nga!
Nya-hah-hah!


Ulan, Tubig, atbp.

Ala eh, wala pa ba?
Ulan sa Bayang Tinubuan...
Samantalang sa ibayong dagat
nag-i-snow pa
Kahit summer na yata sa kanila?


******


Anuba nangyari't tila kalikasan naririndi?
Basura sa paligid katakutakot patindi.
Ayusin, Kabayan Bayang Tinubuan
Baka bumalik na naman basurang di inintindi.


******

Sabi sa balita: Hot humid days seen till mid-June,
samantalang sa bayan ni uncle sam lamig still in the air.
Bitak na palayan, lupang tigang
Malayo pa ang umaga, katugang na Barang.



******


Kaya taga Munwok, tubig ay ingatan
Mahal kasi ang singil ni Emil na patubigan.
Minsan sa dalawang linggo'y tig-walong daan,
Paano mabubuhay itong ating si Huwan?


******


Kapag tag-ulan nama'y tubig ay ingatan.
Hangga't maaari, sa dam na ipunan...
Nang huwag mamayani bilang flood kahit saan,
Nang h'wag nang maulit itong Ondok, part2 mga kababayan.


******





Thursday, May 6, 2010

Ibang klase!

SO NEAR...yet feeling so far away pa.

Ilang araw na lang, malalaman na natin
ang damdamin ng Bayan.
Yan eh kung walang dayaan ha?
Kaso lang baka magluka-lukahan na naman
ang mga ganid sa puwesto.
Alam na natin kung sino ito.
May "hello garci" at meron ding fg
na gumagapang sa lahat ng problema ni glo.


Lahat na lang yata ng gimik at bad tricks ginawa na.
Desperado lang talaga.
Halatang talo na sila, kaya lahat ng maisip
tila walang prenong ginagawa ng mga alipores nila.


Pero nakakagulat ha?
Itong si Binay, small but terrible talaga.
Biro mo, pati yung kanyang dating fling,
i-fling sa kanila?
Hanep talaga ha?
Kasi naman umaangat na, kaya ayun
balak hilahin pababa....crab mentality talaga.


Feeling malakas din itong si willie ng wawa-wee:
nagbanta sa boss niya't pinapipili pa!
Ganyan na ba siya kapawerpul?
Pati ibang tao, ipaaalis niya?
Paano na lang kung manalo pa ang manok niya?
Eh baka pati sa Malacanang magpasayaw yan
ng mga nakahubad na babae sa bawa't government function?
Astig mo, pare!


Ibang klase talaga ang Pinoy sa halalan.
Para makaungos, kahit palakol ihahataw.
C-5 at Taga ang linya ng isa....
Samantalang basbas naman ni gloria ang nais ng assistant nya.


+++++++++++


Sana lang mag-isip tayo.
Bumoto ayon sa ating prinsipyo.
Huwag sayangin ating mga boto
para naman sa mga future Filipino.





Friday, April 30, 2010

IBA ang prayoriti

Noong Disyembre, nanganak ang asawa ng aming katropa.
Nagpunta sa isang Lying-in Maternity Clinic
na kalapit lang nila.

Ang problema, yung bata eh nakataas ang isang kamay....
Hindi kaya ng klinika kaya pinayuhan sila na
dalhin na sa "district" hospital ng Las Pinas.
Asows! Wala namang doktor daw!


Lipad sa PGH kung saan hindi sila tinanggihan....
Matapos ang ilan pang oras na "labor"...
napaanak na rin sa wakas ang kawawang misis.


Tanong ng mga doktor at nars at kung sinu-sino pa:
"O...iboboto nyo pa si Villar, samantalang basic services nga lang
hindi mabigyan ang Las Pinas,
magpe-Presidente pa?


OO nga naman. Biruin mo, ni wala kaming tubig sa bawa't bahay?
O hah? Hindi ba't basic services yan?
Hindi ba't kailangan ng bawa't mamamayan ang magkaroon
ng malinis na tubig sa pang-araw-araw na buhay?

Tubig nga wala....ospital pa?
Kaya nga laking inggit ako sa mga taga-Makati, eh!
Biro mo, may sarili silang Kolehiyo.
Libre pa ang edukasyon sa taga-Makati!

Dagdag mo pa, yung "bonus" na regalo
sa mga seniors citizens....
Aba'y di hamak na mas magaling ang Makati
kaysa sa Las Pinas!

Nagbabayad naman kami ng tax sa bahay.
Nagbabayad kami ng kuryente para sa ilaw sa poste!


Ni walang sariling Pamantasan ang Las Pinas, eh.
Buti pa ang Maynila.....Makati at iba pang karatig-pook.


Yun nga lang, meron kaming parol pag Pasko!
Saka banderang orange sa bawa't kalye,
subdivision
man o main roads, meron nyan!


Wala nga lang tubig, Pamantasan,

o kaya'y ospital na may doktor 24-7!


Mukhang IBA ang prayoriti sa aming bayan!

Maganda sa labas, pero yung talagang kailangan,
zero naman!


Ay!

Ayoko ng ganyang Presidente!




Tuesday, April 13, 2010

Neknok in Munwok

Asus! Umarangkada na naman!
Itong magnanakaw sa may Upper Gate 2, man!
Kaya nakakahilakbot feeling ng naninirahan
Para kang nakatulay sa alambreng sampayan.


Hinala ng lahat si jukjuk na naman
Kasi naman ito'y may lihim na ginagamitan.
Pusakal na durugista at maninikwat kahit saan
Pati kapitbahay pinupuntirya lang naman!


Ang hirap sa ama'y kunsintidor namber wan,
Kaya't tinatago sa mga nawawalan.....
Kapag kumatok sa kanilang sambahayan,
Laging walang sagot kahit na ilaw ay open naman!


Hay naku, Munwok kong giliw, paano ba yan?
Tila nakakatakot mamuhay sa iyong piling;
Sa dibdib mo'y nahihimlay, pusakal na mandurugas
Isang hakbang lang sa aking tirahan!


Paano ba malulutas yaring nakawan?
Kung pati magulang'y galit sa tanungan?
Di ba sila nahihiya sa garapalang paramdaman
Ng kapitbahay na tila wala ng katahimikan?

Sunday, April 4, 2010

Orange country ni Man Evil Liar!

Kulay orange na ang paligid namin.
Simula ito ng pumasok ang Pebrero.
Bibili sana ako ng tinapay at dyaryo sa kanto.
Nagkakabit ng madaling araw ang mga tao ng munisipyo.
Ayos, `to, isip ko....Parang piyesta pero nahuli nga lang.
Di ba nga Disyembre ang piyesta ?
Ah ...baka bertdey kasi ni Father Fidel.
Pero teka, Valentine's day yun, ah?
Kamote talaga, oo!
Hanep sa pera.
Iba diskarte kapag makuwarta ang kandidato.
Panay ere ng komersyal sa radyo.
Memorays ko na nga ang kanta nung mga bata sa TV eh.
Biro mo, ...ang Las Pinas, naging kulay ponkan?
Ok sana kung talagang orange ha?
Para naman makatikim ng medyo matamis
kesa sa berdeng dalanghita na tinda ni Manang sa kanto.
Asar nga si Mader eh...
Sabi niya, eh kung binili na lang ng bigas ang mga benderang
nakakabit sa bawa't poste sa mga sabdibisyong dinaraanan
sa Friendship route at sa mga kalsada sa buong siyudad,
baka sakaling marami pa ang nabusog ang tiyan.
Kaso lang, parang gusto ko nang masuka sa
paulit-ulit na song-mercial ni
Man-evi-liar!
Mahirap daw, oh!