Thursday, August 25, 2011

Bakit nga ba?

Ang init!


Maulan!


Grabe naman!


Anubayan?!




Reklamo dito, reklamo dun...


Parehas lang kahit saan.


Mapa-Maynila, mapa-Maryland....


Reklamo ang himig ng salitaan.






Isang makata ang siyang nagwika:


"As a rule, man is a fool.


When it`s hot, he wants it cool.


When it`s cool, he wants it hot.


Always wanting what is not."






OO nga naman, agree ako diyan.


Bakit wala na bang kasiyahan ang taong bayan?


Marami pa namang magagandang bagay-bagay


Na dapat pagtuunan ng pansin at kasiyahan.






Marahil ay dapat na tayo'y kumilos din...


Sa halip na puro bato, batikos at puna....


Panadaliang tingnan, rosas at kalikasan


Magmuni at mag-isip, gumawa ng paraan:




Kumilos ka, Juan!

Tuesday, August 9, 2011

Ganun lang?!



Tsk...tsk...tsk....
Ganun na lang ba yun?

Si angelo reyes, na-trapped...
Tas nagbaril sa sarili.
Trapped na kasi..


Nang namatay, bayani pa raw, o!
" A gentleman and an officer...." daw!
Ganun?!
Nagneknok na, tas bayani pa!
Wats honorable in that!?


Si merci, nagbitiw,
pagkalipas ng ilang taong animo'y nakadikit
Ang puwet sa silya ng Ombudsman ayaw mawaglit.

Anu?! Ganun na lang ba yun?!
As in wala nang news o prosecution man lang?

Why, oh why!?

Eto ngayon si liit...
Nahuling nangdaya...
Kanan-kaliwa, sangkaterbang ebidensiya...
May 'Hello, Garci! ' pa...
"I ....am.....sorry...." lang ba,
Ayos na siya?!
Waaahhh!? Ba`t ganun?!
Hala, ikulong!



Nagbitiw tuloy itong si zubiri ...
Pagka`t ayaw raw mapahiya....
May honor kuno siya!
Huli ka na tsong! Dapat noon pa
pagka`t alam mo yan
Na wala ka talagang suporta
kahit sa iyong bayan.
Natakot ka lang, dahil kay lentang bedol
at kay lentang garci
isama mo pa si lentang ep ji!





Anu? Ganun na lang ba yun?!
Walang isasa-korte at parurusahan?

Ba`t ganun?

Ang nais ng Bayan ay nais ko rin
Ang makitang parusahan at talagang makulong
ang mga tadong ganid sa pera ng Bayan nangupit...
Hindi lang yun!
Pati magnanakaw ng boto sa 2004.
Pati ba naman pulis kinasangkapan ng buwisit?
Akala ko pa naman si ebdane`y marangal
Kasama rin pala sa mga tusong nangudlit?!



Saturday, August 6, 2011

Patid na litid

Naopera, na-opera
si aling gloria....

Sabi nila, nauntog daw
sa kakabilang ng nakaw na kuwarta.

Nabakli tuloy leeg na maliit
sa sobrang laki ng perang nakupit!

Hindi makaugaga
pagkatingala,
sumakit si litid
Patid ang leeg!